Kaya Ko Na!

8:54 PM Unknown 0 Comments




Noong bata pa ako punung-puno ako ng pagmamahal. Nabusog at nalulong sa pagmamahal ng magulang. Kaya ko na sabi ko pero, di pa pala. Masakit masaktan lalo na pag nagmahal ka ng buo. Ganon ako eh. I give everything to the person I love most. Pero pag ako nasaktan, sobra-sobra. But I am a stong independent person today. I can stand alone but sometimes naiimagine ko ang buhay ko kung saan may nagmamahal din sa akin. Yung may mapagsasabihan ka ng mga karanasan mo sa buhay. Ang saya siguro ano kung uuwi ka at may kakamusta sa araw mo, may maghahanda ng panghapunan at may magmamahal sayo kung sino ka man. Pero alam nyo po sa 22 years ko sa mundo sa palagay ko hinding-hindi ako magsisising single ako. Sayang lang at di ko pa natagpuan ang taong kukumpleto sa mundo ko. Kailangan ko nga ba ng taong kukumpleto sa akin o mabubuhay akong mag-isa at masaya.
Lagi kong sinasabi sa sarili ko kaya ko na. Oo, kaya ko pero may mga bagay talagang masasaktan ka. That’s what I am afraid of. Ang magising balang araw na hindi na masaya sa pinili kong buhay. Pinili ko ang mag-isa dahil takot na takot akong mareject at masaktan. Marupok ako eh. Ang dami kong insecurities sa buhay. Di naman ako gwapo, walang pera, puro lang  hangin sa ulo. Oo masaya ang tao sa palagid ko pag kasama ako. Pero sa likod ng mga halakhak ko eh puro sakit ng loob at pag-iimbot. Kaya please kailangan ko lang naman ng makakausap, yun lang naman ang gusto ko eh, ang may taong magbibigay ng oras nyasa mga kwento kong walang kabuluhan. Di ko naman pinipilit ang pagmamahal mo. Makasama ka lang kahit saglit okay na ako.
Oo inaamin ko nagmahal din ako ng sobra. Kaso di ko sinabi sa kanya to dinaan ko lahat yun sa biro para di nya mahalata pero sa araw araw na nakikita ko sya sabi ko mahal na mahal ko talaga sya. Yun yun eh. Ganyan tayong mga independent kong tawagin. Akala ng iba we can handle such frustrations na somebody you love eh di maibalik ang pagmamahal na gusto mo. Pero mahirap po ang pinagdadaanan naming. Sometimes we also need companion para lang maaliw at maalis lahat ng sakit.
Wala akong karanasan sa dating or lovelife ang gusto ko lang eh maging masaya sya. Gusto ko pag nakikita ko sya, dapat nakangiti at punong-puno ng inspirasyon sa buhay. Gusto ko syang maging best sa pinili nyang buhay. Gusto ko rin na balang araw kung itatakda. Magiging masaya ako pag napili nya ang taong para talaga sa kanya.
I want to say this to you. Mahal na mahal kita pero duwag ako men super duwag. Kaya baby malaya ka na. Pag nagkita tayong muli. Ako yung taong di mo na yata makikilala. Nais ko sana’y bigyan mo ako ng konteng katahimikan. Wag ka na munang sumagi sa puso ko. Dahil sa pagtagal mo mas lalong sumasakit ang puso ko.
Oo kaya ko na pero di naman na pag sinabi kong kaya ko eh kaya ko na agad. It takes a lot of courage and time.
Baby this is my message to you. Make me proud sa lahat ng endeavours na gagawin mo. Make yourself the best you. Always remember I’m here love you always.
Alam nyo po pag kasama ko sya napapangiti nya ako. Pag may mga mood swings ako. Di yan tatalab sa charisma nya. Smile palang nya wala na ako. At parang pinagtatagpo kami ng tadhana. Ngayon we are on the same company again. Akalain mo yun! Ang saya ko knowing na we will be as a team again. Payatot yun eh. Pero doon ako nainlove. Hahaha. Tawang-tawa ako sa sarili ko inlove na ba talaga ako? Ang problema ako lang mag-isa ang nagmamahal paano mo masasabing mutual yun?
How sad naman po. Pero kung minsan nasasabi ko na rin sa sarili ko keri na yan. Balang araw kaya ko na!

Noong bata pa ako punung-puno ako ng pagmamahal. Nabusog at nalulong sa pagmamahal ng magulang. Kaya ko na sabi ko pero, di pa pala...

0 comments: