Pag-ibig Na Di Maintindihan
Bukal
ng awa
Bumangon
ka!
Ibuhos
sa amin
Tubig
ng pag-asa.
Kislap
ng dalisay na pag-ibig
Kawangis mo'y bagwis ni Kamatayan
Na
kahit sukdulan ang hiling
Pintig
ng puso parin ang pipiliin.
Dahas
ay kumawala
Sa
mga panaghoy ng kamalasan
Niningas
sa karimlan
Ilaw
ng kadiliman.
Pilantik
at kaluskos
Ay
napag-iwanan
Unti-unting
naglalaho
Busilak
na pagnanasa.
Isipin
mong ang perlas
Na
itinurok ko sa 'yong kamay
Di
na mapapalitan
Bagkus
simbolo ito ng walang hanggang pagdurusa.
Isipin
mo ang kahihinatnan
Taksil
na mata
Sa
harap ng mapanghusgang dila
Ikaw
ba talaga'y pupusta?
Bihisan
ka man ng nyebe
Pagandahin
ka man ng kabibe
Pero
sa likod ng ganyak na karangyaan
Nagkukubli
ang mapait na nakaraan.
Sana,
sa pagsapit ng bukang-liwayway
May
dangal pa sa iyong naghihintay
Hinila
ka man sa yurak
Siguraduhin
mong sa huli sayo pa rin ang huling halakhak!
Bukal ng awa Bumangon ka! Ibuhos sa amin Tubig ng pag-asa. Kislap ng dalisay na pag-ibig Kawangis mo'y bagwis ni Kam...
Et Filii
Here's an Akeanon poem which I composed during my troubled days in college. I hope you like it for those who understand Inakeanon. Please do love Akeanon poetry and try to make one.
Haksa ako! O panganud.
Eupara ako paibabaw
Eunuta ro mga dyablo
Nga nagahunos kakun paidaeum.
Indi pagtuguti nga madaea nanda ako
Kimo ko eon ginatugyan rung tanan
Tabangi man ru ang ispiritu
Nga indi maduea sa kahawaan.
Sa pagbutlak ko mga bituon sa kaeangitan,
Makita Mo ako nga naga-euhod
Gapangamuyo it madaeum
Sa pihak ku mga kalisdanan.
Ru Imong masilak nga bertud
Ipabutyag sa tanan
Nga IKAW makagagahum
Uwa kimo't eabing mataas.
Sa eutay ako naghalin
Eutay man ru akon nga paea-adtunan
Ngani kabay nga matuman
Rung tanan Nimo nga mga handum.
Bugtawa rung kalibutan
Nga naduea-an it pag-eaum
Isikway ru mga butang nga maea-in
Ag batunun ru mga bugay nga balaan.
Ru hampak it kalisud,
Kabaskog nga indi mahuyang
Buyti ako it mayad
Hay ako nagatuo kimo, MAN-EUEUWAS!
Here's an Akeanon poem which I composed during my troubled days in college. I hope you like it for those who understand Inakeanon. Pl...
Apoy
“Niyurakan nila ang aking pagkatao, nilapastangan, winalang
galang, inalipusta…" Ito ang mga katagang namutawi sa kanyang mumunting
bibig ng siya’y aking tanungin tungkol sa kanyang kamusmusan.
Araw-araw matatanaw sa tabing ilog ang batang si Gelay.
Namumulot at nagtitipon ng mga basurang kanyang makita na maaaring
pagkakakitaan. Sa musmos niyang pangangatawan ay nakikipagsabayan na siya sa agos
ng buhay hindi para lasapin ito kundi para magbanat na ng buto. Lumaki sa
iresponsableng mga magulang, daig pa nila si Gelay sa paglalaro – paglalaro ng
baraha.
“Mabuti pa si Inay at Itay naglalaro lang, ako heto lubog sa
tubig para makapera tapos di naman namin makakain dahil pangtaya lang nila ito
sa madjongan. Sambit ni Gelay na may namumuong butil ng luha sa kanyang
kawawang mga mata.
Sa ganitong sitwasyon pinilit parin niyang gapangin ang kanyang
pag-aaral. Kahit pabalik-balik siya sa elementarya dahil kung minsan lang
pumasok ay wala parin siyang pagod sa pagpupursigeng makapagtapos. Makusot ang
kanyang uniporme, walang paligo’t namumugto ang mga mata kung siya’y pumasok sa
paaralan. Kaya di maiiwasang tuksuhin siyang anak lupa o engkanto ng kanyang
mga kamag-aral.
“Nang misang ako’y dumaan sa geyt bigla na lamang napigtas ang
aking isang taong butas na tsinelas, walang anu-ano’y napuno ng bulungan at
tawanan ang mga nakasaksi. Dali-dali ko nalang itong kinuha at mabilis na
tumakbong umiiyak habang naririnig ko parin ang mas lumakas pa nilang mga
halakhak.”
“Kailan pa kaya ako makakatakas sa gapos ng kahihiyan?” Kwento
ni Gelay sa akin habang pilit na binabalikan ang mapapait na parte ng kanyang
istorya.
“Gelay nasaan ka na bang bata ka!” Galit na sigaw ang pumakawala
sa garalgal na boses ng kanyang ina. Naputol ang aming mainit na usapan at
siya’y pumaroon na sa kanyang tigreng ina.
“Simula na naman ng delubyo sa kanyang pagkatao.” Usal ko sa
sarili habang tiningnan ko si Gelay na pinagagalitan ng kanyang Inay Lita.
Panganay sa limang magkakapitid si Gelay kaya siya ang umaako ng
responsibilidad na nakaatang sana sa kanyang mga magulang. Naglalaba,
nagluluto, naghahanap-buhay at iba pa lahat na yata ay pasan niya. At may isa
pa siyang pasan na kaiba sa lahat. Si Gelay ay pinanganak na kuba kaya sa
tuwing may makakita sa kanya’y mamumutwi gaagad ang mga mapanglait na mga ngiti.
“Sa kalye Murat si Gelay ang sikat. Paawtograp naman o Reyna
Kuba, nasaan na ang kampana mo?” Tawanan ang lahat ng ibulalas ito ng isang
babaeng patpatin.
Patuloy lang si Gelay sa paglalakad dala ang dalawang timba ng
tubig. Maya-maya pa’y tumilapon ang kanyang mga bitbit at bumuhos ang laman
nito sa kanya dahil nahulog na naman siya sa patibong ng mga binatilyong walang
magawa kundi ang siya’y pagtripan.
“Balat lang pala ng saging ang katapat mo. Nakayuko ka na nga
bulag pa.” Tawanan ang karamihan.
Pilit tumayo si Gelay at umiiyak na bumalik sa kanilang bahay at
doon bumuhos ang kanyang emosyon. Humahagulgol niyang hinanap ang isang kupas
na litratong nagpapalakas sa kanya, larawan ito ng ating Poong Maykapal. Habang
di alintana ang pagsasama ng luha’t sipon ay pilit niyang tinititigan at
makailang beses hagkan ang litrato. Nangungusap ang kanyang puso, “O Diyos ko!
Kailan pa kaya matatapos ang lahat ng ito.”
Isang ordinary at mainit na araw, maaliwalas ang kalangitan,
walang pag-aalipustang nagbabadya kay Gelay. Pumasok si Gelay sa paaralan dala
ang isang maliit na lapis na wala ng pambura at kwadernong nakita niya sa ilog
na nagdikit-dikit na dahil nabasa ng agos. Nakasilid ito sa bag niyang pirdible
na lang ang nagsisilbing ‘zipper’ nito. Nagpadala siya sa kanyang mga paa sa
maingay, mausok, mabahong kalyeng iyon na kumakalam ang sikmura. Tiniis na
lamang niya ito dahil alam niyang wala naman siyang magagawa.
Matapos ang klase ay dali-dali na siyang lumakad pabalik dahil
oras na ito ng kanyang mga gawaing bahay at siguradong pagagalitan at sasaktan
na naman siya ng kanyang mga magulang kapag di siya makagawa.
Isang maingay na sasakyan ang dumaan sa kanyang harapan na
parang daguhong ng panganib. Bigla siyang kinabahan ng makitang papunta ang
direksyon nito sa kanilang kalye Murat.
Pagdating sa kalye Murat siya’y nanlumo. Nilalamon ng apoy ang
buong paligid at dahil sa kapal ng usok at nagkakanda-ugagang mga tao ay hindi
siya makaderetso. Lahat ay nagnanais makalayo at maisalba ang mga nipundar na
gamit. Walang magawa si Gelay kundi pagmasdan ang pulang elementong tomutupok
sa kanyang kinalakihan.
May namutawing ngiti sa kanyang maputlang mga labi habang
umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Ramdam ni Gelay ang pagdaloy ng luha sa
kanyang pisngi. Ito’y parang yelong pumupukaw sa kanyang lungkot at tuwa.
Ngunit bakit siya nakangiti?
Sumasayaw ang pulang elemento na parang inaaliw si Gelay. May
naririnig siyang saliw ng musika, musikang nagpapalubag-loob sa kanyang pusong
nag-iisa. Sa bawat putok na gawa ng mga kawayang nasusunog ay lumilikha ito ng
kakatwang tanawin sa mga umaalab na mata ni Gelay. Ang tanawing ito ang
umuudyok kay Gelay na ipinta ang malapad na ngiti sa kanyang mukha. Namutawi
ang halakhak ni Gelay sa kanyang kinatatayuan. Parang nasa alapaap si Gelay sa
mga oras na iyon, ninanamnam ang tanawing kanyang pinapangarap, ang siya naman
ang tumawa kaysa pinagtatawanan.
Ang katotohanan sa likod ng mga halakhak na ito ay kapayapaan sa
pagdurusang kanyang natikman ng halos labing tatlong taon sa kamay ng kanyang
ama’t ina. Ang luha ay para sa kanyang mga kapatid na hindi man lang nakatikim
ng konting kaginhawahan bago nagpaalam sa mundong kinasadlakan.
Hapon na ng maapula ang apoy. Tinahak ni Gelay ang
malaimpyernong kalye papuntang bahay. Naalis na doon ang bangkay ng kanyang
pamilya at walang nakaligtas kahit na isa dahil tulong ang mga ito ng mangyari
ang sunog. Nang siya’y naroon na, katahimikan ang kumalat sa buo niyang
pagkatao. Hindi niya malaman ang emosyong dumadaloy sa kanyang mga ugat.
Maya-maya pa’y mahabang katahimikan ang umalipin sa kanya, ang kalangitan ay
nagdilim lahat ay madilim, madilim na madilim….
Namulat si Gelay na sa kamay na ng DSWD. Sa pangangalaga na siya
ngayon ng mga awtoridad. Pinipilit na winawaksi ang pait ng kahapon.
Siya si Gelay, ang batang daig pa ang nailibing ng buhay sa
lupit ng karanasan sa kanyang buhay. Ikaw, masisisi mo kaya siya sa kanyang
pagtawa?
Tinanong ko siya sa kanyang karanasan. Ang tangi niyang naitugon
ay: “Niyurakan nila ang aking pagkatao, nilapastangan, winalang galang,
inalipusta…"
“Niyurakan nila ang aking pagkatao, nilapastangan, winalang galang, inalipusta…" Ito ang mga katagang namutawi sa kanyang mumun...
Me, Music and Insomnia!

I am still awake listening to the music of
the world; unaware of the danger for not having enough sleep in this endless
stress of my current situation. I am in battle with my thoughts at the moment
if I am going to end up my career or not. But thanks to the song “Roses” that
reminds me “say you never let me go”. I feel a little bit conscious that I am
just writing this with no direction. I just wanted to keep on writing what I
have to say and the emotions I have this morning.
I just wanted to share my life's
disappointments. I am already twenty-two years old and here I am working with
less money on my hand that I can’t even give the luxury life I dreamed of for
my parents. The song now playing is "dance with my father". I was a
bright and brilliant man who always loves incorporating with people. Others
would say I am gay inside out but they have no idea what I am going through
right now. I wanted to fast forward the events in my life to make sure I have a
good career in the future. But that’s impossible; time machines were not built
yet. I hope so. I have friends who already find their directions in life as
what facebook is feeding me. I never dreamed of a perfect life but here I am so
jealous with the achievements of my friends. I prayed a lot, I study hard but I
am in agony knowing that after college my life would stuck in the mud of a
cruel world. The song playing is “I’m not the only one”. I am crazy right now.
I wanted to end my pointless life just to get rid of these disappointments but
I have this scene in my mind wherein my mother was crying on my own grave
telling me how foolish I am.
I feel so much pressure I guess that I
didn't noticed how thankful I am than others. But the song "I’m not giving
in" reminds me to keep going. So I’m going to end this insanity. I'll just
close my eyes with the lyrics of the song in my mind written in these verses
"In God’s perfect time!"
I am still awake listening to the music of the world; unaware of the danger for not having enough sleep in this endless stress of my cur...
Subscribe to:
Posts (Atom)
About
Hi! Visit my blog and you'll surely enjoy anything in it. Happy reading.




