Pag-ibig Na Di Maintindihan

10:44 PM Unknown 0 Comments


Bukal ng awa
Bumangon ka!
Ibuhos sa amin
Tubig ng pag-asa.

Kislap ng dalisay na pag-ibig
Kawangis mo'y bagwis ni Kamatayan
Na kahit sukdulan ang hiling
Pintig ng puso parin ang pipiliin.

Dahas ay kumawala
Sa mga panaghoy ng kamalasan
Niningas sa karimlan
Ilaw ng kadiliman.

Pilantik at kaluskos
Ay napag-iwanan
Unti-unting naglalaho
Busilak na pagnanasa.

Isipin mong ang perlas
Na itinurok ko sa 'yong kamay
Di na mapapalitan
Bagkus simbolo ito ng walang hanggang pagdurusa.

Isipin mo ang kahihinatnan
Taksil na mata
Sa harap ng mapanghusgang dila
Ikaw ba talaga'y pupusta?

Bihisan ka man ng nyebe
Pagandahin ka man ng kabibe
Pero sa likod ng ganyak na karangyaan
Nagkukubli ang mapait na nakaraan.

Sana, sa pagsapit ng bukang-liwayway
May dangal pa sa iyong naghihintay
Hinila ka man sa yurak
Siguraduhin mong sa huli sayo pa rin ang huling halakhak!

Bukal ng awa Bumangon ka! Ibuhos sa amin Tubig ng pag-asa. Kislap ng dalisay na pag-ibig Kawangis mo'y bagwis ni Kam...

0 comments: